Marupok Na Sumpa lyrics
by Nora Aunor
[Verse 1]
Sumumpa kang ako ang iibigin
At ang pagsuyo mo'y 'di magmamaliw
Sa init ng halik
Nagtiwala ako sa 'yong paggiliw
[Verse 2]
Pinaasa-asa mo sa 'yong pag-ibig
Na ako ang mahal mo hanggang langit
Ang sumpa mo pala
Marupok na bula ang kawangis
[Bridge]
Kailanman ay 'di ko malilimutan
Na ikaw pala'y salawahan
Luluha ka rin at pagdating ng araw
Maalala mong ako'y iyong mahal
[Verse 3]
Mapait na luha at pagdurusa
Ang sa aki'y naiwang alaala
Buti pang mamatay
At sa langit ako liligaya
[Bridge]
Kailanman ay 'di ko malilimutan
Na ikaw pala'y salawahan
Luluha ka rin at pagdating ng araw
Maalala mong ako'y iyong mahal
[Verse 3]
Mapait na luha at pagdurusa
Ang sa aki'y naiwang alaala
Buti pang mamatay
At sa langit ako liligaya