Despatsadora lyrics

by

Nora Aunor



[Verse 1]
Merong isang kay gandang despatsadora
Ngunit siya ay supladang magtinda
Lumapit ka 'pag mukhang wala kang kuwarta
Pagmasdan mo at iniirapan ka

[Verse 2]
Marami diyan sa Escolta’t Avenida
Paglapit mo ay mag-iingat ka na
Kapag ikaw ay humipo sa tinda
At hindi mo nabili ay iba ang 'yong makikita
Dadamputin ang hinipo mong tinda
At muling ibabalik ng pabagsak-bagsak pa

[Chorus]
Aling ano, nagtitinda
Pasensya na kung hindi ko mabili dahil sa mahal pala
Bakit naman galit ka na?
Tanong pa lang kung magkano, ang ibig mo'y bilhin na

[Verse 3]
Ito’y isang paalala sa masungit
Kawikaan "Customer is always right."
Kapag ito ay palaging nasa isip
Kayong lahat ay sadyang magbabait
[Verse 4]
Ito'y isang payo lang at huwag magalit
Sundin ninyo't nang sa suwerte'y malapit
Kung tunay mang may mga nang-iinis
Huwag ninyong papansinin, huwag kayong dagling magagalit
Sadyang ganyan ang tinderang magtiis
Sa kalakal kakamtin ang ligayang kay tamis

[Instrumental Break]

[Verse 3]
Ito'y isang paalala sa masungit
Kawikaan "Customer is always right."
Kapag ito ay palaging nasa isip
Kayong lahat ay sadyang magbabait

[Verse 4]
Ito'y isang payo lang at huwag magalit
Sundin ninyo't nang sa suwerte'y malapit
Kung tunay mang may mga nang-iinis
Huwag ninyong papansinin huwag kayong dagling magagalit
Sadyang ganyan ang tinderang magtiis
Sa kalakal kakamtin ang ligayang kay tamis

[Outro]
Despatsadora
Despatsadora
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net