Ang Tindera lyrics
by Nora Aunor
[Verse 1]
Ang hanapbuhay ko ay ang pagtitinda
Naglalako ng pagkaing pang-meryenda
Ang pangalan ko'y kilala, kahit saan ako mapunta
'Pagkat ako ay lagi nang nasa kalsada
[Verse 2]
Ang tinda ko'y masarap at malinamnam
Kaya ako'y madalas na mautusan
Ang aking napapagbilhan, marami-rami din naman
Lalo na't kung masisingil ang mga utang
[Verse 3]
May kalamay, ginatan, puto maya't palitaw
May bibingkang galapol, at kung minsan merong
Maja blancong kay sarap, paborito ng lahat
At ang lasa'y sagapak, murang-mura lamang
[Bridge]
Ang buhay ng tindera'y masayang lagi
Lalo't kung nagbabayad ang mga suki
[Verse 4]
May kalamay, ginatan, puto maya't palitaw
May bibingkang galapol, maja blancong tunay
Hoy bili na, aleng Iska
At lalamig ang aking tinda
[Instrumental Break]