Bulaklak Sa Parang lyrics

by

Nora Aunor



[Intro]
Mayro'n pa ba kayang gaganda sa ating bukid na marikit?
Maging tag-araw at tag-ulan tahimik sa lahat ng saglit
Sa kanyang pugad na maliit ay kakanta-kanta ang pipit
Inaawitan ka ng awit ng pag-ibig na sakdal tamis

[Verse 1]
Tunghayan mo, irog, ang linaw ng batis
Sa kristal na tubig, malasin ang langit
Ang matuling agos ng ating pag-ibig
Saksing puso natin, isa ang nais

[Verse 2]
Pagmasdan mo, giliw, ang bukid at parang
Tanging kayamanan ng lahing silangan
Ang aking pagsuyo'y asahan mo, hirang
Na 'di mawawala, 'pagkat ikaw ang tunay kong minamahal

[Verse 1]
Tunghayan mo, irog, ang linaw ng batis
Sa kristal na tubig, malasin ang langit
Ang matuling agos ng ating pag-ibig
Saksing puso natin, isa ang nais

[Verse 2]
Pagmasdan mo, giliw, ang bukid at parang
Tanging kayamanan ng lahing silangan
Ang aking pagsuyo'y asahan mo, hirang
Na 'di mawawala, 'pagkat ikaw ang tunay kong minamahal
[Instrumental Break]

[Verse 1]
Tunghayan mo, irog, ang linaw ng batis
Sa kristal at tubig, malasin ang langit
Ang matuling agos ng ating pag-ibig
Saksing puso natin, isa ang nais

[Verse 2]
Pagmasdan mo, giliw, ang bukid at parang
Tanging kayamanan ng lahing silangan
Ang aking pagsuyo'y asahan mo, hirang
Na 'di mawawala, 'pagkat ikaw ang tunay kong minamahal
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net