Halina, Hesus, Halina lyrics

by

Jesuit Music Ministry


[Refrain]
Halina, Hesus, halina
Halina, Hesus, halina

[Verse 1]
Sa simula, isinaloob Mo
O Diyos, kaligtasan ng tao
Sa takdang panahon ay tinawag Mo
Isang bayang lingkod sa Iyo

[Verse 2]
Gabay ng Iyong bayang hinirang
Ang pag-asa sa Iyong mesiya
"Emmanuel” ang pangalang bigay sa Kanya
“Nasa atin ang Diyos tuwina”

[Refrain]
Halina, Hesus, halina
Halina, Hesus, halina

[Verse 3]
Isinilang Siya ni Maria
Birheng tangi, hiyas ng Judea
At Hesus ang pangalang binigay sa kanya
“Aming Diyos ay tagapag-adya”
[Verse 4]
Darating muli sa takdang araw
Upang tanang tao’y tawagin
At sa puso Mo, aming Ama’y bigkisin
Sa pag-ibig na 'di mamaliw

[Refrain]
Halina, Hesus, halina
Halina, Hesus, halina
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net