Halina, Hesus Aming Mananakop lyrics
by Jesuit Music Ministry
[Verse 1]
Halina, Hesus, aming mananakop
Dusa ng 'Yong bayan, masda't abot-abot
Sa pag-ibig salat, katarunga'y kapos
Tangi Kang pag-asa, O Hesus
[Verse 2]
Halina, Hesus, aming mananakop
Awa Mong biyaya, sa ami'y ipaabot
Pag-ibig Kang tunay, katarungang lubos
Tangi Kang pag-asa, O Hesus
[Verse 3]
Halina, Hesus, aming mananakop
Kaming Iyong bayan, bigyang lakas-loob
Hinihintay namin pagdating Mong puspos
Tangi Kang pag-asa, O Hesus
[Verse 3]
Halina, Hesus, aming mananakop
Kaming Iyong bayan, bigyang lakas-loob
Hinihintay namin pagdating Mong puspos
Tangi Kang pag-asa, O Hesus