Halina, O Hesus lyrics

by

Jesuit Music Ministry


[Verse 1]
Naghihintay kami sa Iyong pagbalik
Gabi at araw, kami'y nananabik
Ginapi ng sala, ng dusa at sakit
Hesus, hanggang kailan kami magtitiis

[Chorus 1]
Halina, O Hesus, na Mananakop
Ang Iyong bayan, palayain Mong lubos

[Verse 2]
Inaasam namin ang Iyong pagdatal
Ang paghahari Mo'y aming hinihintay
Hesus, hangad nami'y liwanag Mong tunay
Na S'ya naming tanglaw sa landas ng buhay

[Chorus 2]
Halina, O Hesus, na Mananakop
Ang Iyong bayan, kalingain Mong lubos
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net