Ituro Mo lyrics

by

Renz Verano


[Verse 1]
Iniibig kita at ikaw ang nagbigay
Ng halimuyak, samyo ng aking hardin
At kariktan mo ang siyang pumukaw
Sa tuwing gigising at panaginip

[Pre-Chorus]
Pilitin mang limutin ang nakasanayan
Bumabalik pa rin sa 'yo
Paano ba ito?

[Chorus]
Sabihin mo kung paano mo
Nagawang limutin ang kahapon natin
Ituro mo kung sa'n babaling
Baka sakaling katulad mo makayanan ko rin

[Verse 2]
Sa hatinggabi, sinisipat mga bituin
Nilalaro ng buwan aking damdamin
Pa'no tatahan? Sa 'yo lamang mahihimbing
Sa halik at yakap mo ang siyang hihilom sa 'kin

[Pre-Chorus]
Pilitin mang limutin ang nakasanayan
Bumabalik pa rin sa 'yo
Paano ba ito, oh-oh-oh
[Chorus]
Sabihin mo kung paano mo
Nagawang limutin ang kahapon natin
Ituro mo kung sa'n babaling
Baka sakaling katulad mo makayanan ko rin

[Outro]
Sabihin mo kung paano mo
Nagawang limutin ang kahapon natin
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net