Kaibigan Mo Lang Ako lyrics
by Renz Verano
[Verse 1]
Oras ay lumilipas nang 'di napapansin
Tuwing ikaw ay kasama
Mapagmahal, maalaga, malambing
Ano pa nga ba ang hahanapin
[Pre-Chorus]
Ngunit ang lahat biglang nagbago
Nang malaman mong ikaw ang dinarasal ko
'Di inaasahang sasabihin mo
Kaibigan mo lang ako
[Chorus]
Ngayong wala ka na, laging nag-iisa
Dating saya'y 'di na maibabalik pa
Tinanggap ko lang sanang kaibigan mo lang ako
'Di ka na lumayo, hindi ka nagbago
[Verse 2]
Laging naaalala ating pagsasama
Ang tamis ng tinginan 'di ko malimutan
'Di ko magawa at hindi mapigilan
Ikaw lamang, laging ikaw ang laman ng isipan
[Chorus]
Ngayong wala ka na, laging nag-iisa
Dating saya'y 'di na maibabalik pa
Tanggap ko lang sanang kaibigan mo lang ako
'Di ka na lumayo, hindi ka nagbago
[Bridge]
Dalangin ko oras-oras, araw-araw ng buhay ko
Malaman mong ako rin pala ang minamahal mo
At 'pag nangyari ay magdiriwang ako
'Pagkat ikaw lang ang minahal at tanging mahal ko
Oh-oh-oh, oh
[Chorus]
Ngayong wala ka na, laging nag-iisa
Dating saya'y 'di na maibabalik pa
Tinanggap ko lang sanang kaibigan mo lang ako
'Di ka na lumayo, hindi ka nagbago
[Outro]
Patuloy ang araw na magmamahal sa 'yo
Kahit na kaibigan mo lang ako (Kaibigan mo lang ako)
(Kaibigan mo lang ako)