Bayan Kang Magiliw lyrics
by Renz Verano
[Verse 1: Dulce, Beverly Salviejo]
Bayan kang magiliw sa amin
Kailan pa ma’y hindi magdidilim
Busilak ang dilaw, puti, pula, bughaw
Dama sa ‘yong tatlong bituin at araw
[Verse 2: Richard Reynoso, Ima Castro]
Sa dami ng iyong pinagdaanan
Iba’t ibang sigwa ang naranasan
Kapit lang sa Dios na may pagtitiwala
Pinagtagumpayan nang mapayapa
[Chorus: Renz Verano, Dulce]
Magkaisang tinig, sa panalangin pagpalain
Ang pinakamamahal na lupang hinirang natin
Watawat mo’y itataas, itatanyag, itatanghal
Ang awit sa ating bayang minamahal
[Verse 3: Richard Reynoso, Renz Verano, Ima Castro]
Tunay ang pagmamahal sa’yo
Buhay ay langit sa piling mo
Duyan ng magiting ang pumipintig
Lulan ng walang hanggang pag-ibig
[Chorus: All; Arnell Ignacio, Richard Reynoso, Renz Verano]
Magkaisang tinig, sa panalangin pagpalain
Ang pinakamamahal na lupang hinirang natin
Watawat mo’y itataas, itatanyag, itatanghal
Ang awit sa ating bayang minamahal
[Bridge: All Female, All Male, All]
Namumukod-tanging pagsinta, sa dibdib mo’y buhay
Walang kasing alab ng pusong binibigyang pugay
Binibigyang pugay
[Chorus: All]
Magkaisang tinig, sa panalangin pagpalain
Ang pinakamamahal na lupang hinirang natin
Watawat mo’y itataas, itatanyag, itatanghal
Ang awit sa ating bayang minamahal
[Outro: All]
Watawat mo’y itataas, itatanyag, itatanghal
Ang awit sa ating bayang minamahal
[Coda: All]
Bayan kang magiliw
Bayan kang magiliw sa amin