Giliw Ko lyrics
by Renz Verano
[Verse 1]
Napapansin mo ba ang 'di ko pagkibo
Maging ang dating pagtingin
Unti-unting nalalayo
Hirap na rin ang puso kong ito
Na dalhin ang pagtingin
Na minsa'y nasilayan ko sa 'yo
[Verse 2]
Napapansin mo ba ang dating kay sayang
Suyuan nanlalamig, nawawalan na ng sigla
Sana'y gawan natin ng paraan
Ating limutin na ang nakalipas na tampuhan
[Chorus]
Giliw ko, bakit mo natitiis?
Nagawang palakihin ang konting pagkakamali
Akala mo, 'di ako nasasaktan
'Yan ba'y tanda ng minsan na
Sinabi mong ako'y iyong mahal
[Verse 3]
Napapansin mo ba lungkot sa 'king mata?
Araw-gabing nagtatanong, paano kung wala ka na
Hindi ko na alam ang gagawin
O, lahat na lang ng masdan ay
Ikaw ang nasa paningin, oh
[Chorus]
Giliw ko, bakit mo natitiis?
Nagawang palakihin ang konting pagkakamali
Akala mo, 'di ako nasasaktan
'Yan ba'y tanda ng minsan na
Sinabi mong ako'y iyong mahal
[Bridge]
Sana'y bigyan mo naman ng halaga
Pusong ito ay 'wag na sanang saktan pa
[Chorus]
Giliw ko, bakit mo natitiis?
Nagawang palakihin ang konting pagkakamali
Akala mo, 'di ako nasasaktan
'Yan ba'y tanda ng minsan na
Sinabi mong ako'y iyong mahal
Giliw ko, bakit mo natitiis?
Nagawang palakihin ang konting pagkakamali
Akala mo, 'di ako nasasaktan
'Yan ba'y tanda ng minsan na
Sinabi mong ako'y iyong mahal
[Outro]
Giliw ko