Tunay Nang Pinadama lyrics

by

Nikko Permano



[Verse 1]
Bawat saglit na kapiling ka'y tulala sa 'yong ganda
Katulad mo ay buwan at kay liwanag sa mata
'Di ko rin alam kung paano binigyang-kulay ang mundo
Alam ng langit na laging tapat ang puso mo

[Chorus]
Ika'y mahalaga sa buhay ko
Alam kong tunay ang pag-ibig mo
Hindi ko hahayaang masasayang lang ito
'Pagkat tayo na ay pinag-isa
Hindi na nagbiro ang tadhana
Walang hanggang pag-ibig na sa ating dalawa ay tunay nang pinadama

[Verse 2]
Boses mo'y gusto kong marinig, lagi akong nakikinig
Ako'y nanlalamig, ang puso ko'y kinikilig
At araw-araw nang pinapansin 'pagkat ikaw lang ang gusto
Awit ko'y damdamin, ito ay para lang sa 'yo

[Chorus]
Ika'y mahalaga sa buhay ko
Alam kong tunay ang pag-ibig mo
Hindi ko hahayaang masasayang lang ito
'Pagkat tayo na ay pinag-isa
Hindi na nagbiro ang tadhana
Walang hanggang pag-ibig na sa ating dalawa ay tunay nang pinadama
[Bridge]
'Di na 'ko hahanap ng iba
Kontento na ako ng dahil sa
Tunay mong pinadama

[Chorus]
Ika'y mahalaga sa buhay ko
Alam kong tunay ang pag-ibig mo
Hindi ko hahayaang masasayang lang ito
'Pagkat tayo na ay pinag-isa
Hindi na nagbiro ang tadhana
Walang hanggang pag-ibig na sa ating dalawa ay tunay nang pinadama
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net