​kailan kaya lyrics

by

Ian Quiruz


[Verse 1]
Magkatabi, malamig at
Magkahawak ang kamay
Nasa ilalim ng kalawakan
Nasa ulap ang lagay
Kailan kaya, kailan kaya
Masisilayan ang mukhang
Tuyo na ang mga matang
Muntikang malunod sa sigwa?

[Verse 2]
Nasa'n ka na? Kailan mo ba
Bibigyang kulay ang mundo?
Hinihintay tayo ng buwan
Tanging ikaw lang at ako
Nais subukan ayaw maulit
Oras iikot pabalik
Maitatama pa ba
Dating pasya sa panaginip?

[Pre-Chorus]
Sana ay naririnig
Na handa akong maghintay

[Chorus]
At hindi kita masisisi
Kung ayaw mo sa akin
'Di mo kasalanang 'di ako
At kung magbago'ng isip
‘Wag mahiyang sabihin
Bakasakaling makalimutang
Mag-isa
[Verse 3]
Halika na, dadalhin ka
Sa gitna ng kagubatan
Saksi ang bawat alitaptap
Mamahalin ka nang lubusan
Malay ko ba, malay mo ba
Kung tayo'y sa isa't isa
Ang mahalaga, nandito ka
Kaya sinta

[Pre-Chorus]
'Di naman naiinip
Kung ikaw rin lang ang
Hinihintay

[Chorus]
Dahil hindi kita masisisi
Kung ayaw mo sa akin
'Di mo kasalanang 'di ako
At kung magbago'ng isip
Huwag mahiyang sabihin
Baka sakaling makalimutang mag-isa
Dahil hindi kita masisisi
Kung ayaw mo sa akin
'Di mo kasalanang 'di ako
At kung magbago'ng ihip
Ng hangin ay sabihin
‘Di namalayang tumitibok pala
[Instrumental Break]

[Bridge]
Hanggang kailan mananatili
Sa labas ng pintuan?
Bumubuhos ang ulan
Naghihintay na pagbuksan

[Outro]
Kailan kaya, kailan kaya?
Kailan kaya masisilayan?
Para naman makalimutang mag-isa
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net