tubig-alat, tubig-tabang lyrics
by Ian Quiruz
[Verse 1]
Sa guhit ng palad
Hanap ko'y ligayang
Sagot sa hinagpis ng kapalaran
[Verse 2]
Sana ay anurin
Ng mga pagtangis
Ang walang katapusang pagdurusa
[Chorus]
Pag-ibig kung kanyang ituring ang
Pait sa pagtanggap ng kabiguang 'di na mababawi
Ng tinging walang hanggan
Ano't walang tibok naman?
Ang tubig-alat ay hindi tubig-tabang
[Verse 3]
Bakit ba kailangang
Bilugin ng tadhana?
Ano't mahirap huminga kung tayo ay malaya?
[Chorus]
Pag-ibig kung kanyang ituring ang
Pait sa pagtanggap ng kabiguang 'di na mababawi
Ng tinging walang hanggan
Ano't walang tibok naman?
Ang tubig-alat
[Bridge]
Mahanap ko kaya sa layo ng pinagtamnan?
Ba't sa ilalim pa ng karagatan?
[Chorus]
Pag-ibig kung kanyang ituring ang
Pait sa pagtanggap ng kabiguang 'di na mababawi
Ng tinging walang hanggan
Ano't walang tibok naman?
Bakit kailangang–?
[Chorus]
Pag-ibig kung kanyang ituring ang
Pait sa pagtanggap ng kabiguang 'di na mababawi
Ng tinging walang hanggan
Ano't walang tibok naman?
[Outro]
Nabuhay sya't hindi
Napagbigyan man lang
Ang tubig-alat ay hindi tubig-tabang