umiindak lyrics
by Ian Quiruz
[Verse 1]
Hindi mo ba napapansin?
Kanina pa ako nakatingin
Sa ′yong kamay, o, binibini
Naghihintay at nasasabik
[Pre-Chorus]
Sa hindi maunawaang dahilan, oh
Nagsasayawan, nagkakantahan
[Chorus]
Umiindak ang buong kapaligiran nating dal'wa
Sumasabay sa tugtog ng pag-ibig
Kahit abutin pa tayo ng ika-sisentang anibersaryo
Ikaw pa rin, sa ′yo pa rin titingin ang aking mata
[Verse 2]
Hindi naman sa ambisyoso
Pero sa 'yo natupad lahat ng pangarap ko
Bumubuo ng alaala
Habang tumatagal, mas lalo kong nadarama
[Pre-Chorus]
Ang tumibay pa lalong dahilan, oh (Dahilan ng pag-ibig na galing sa)
Tayo pala ang itinadhana
[Chorus]
Umiindak ang buong kapaligiran nating dal'wa
Sumasabay sa tugtog ng pag-ibig
Kahit abutin pa tayo ng ika-sisentang anibersaryo
Ikaw pa rin, sa ′yo pa rin titingin ang aking mata
[Bridge]
(Sumabay lang sa agos ng damdamin natin)
Umiindak sa tuwa (Sa tuwa), sa galak (Sa galak), sa ligaya
Kahit abutin pa tayo ng ika-sisentang anibersaryo
Ikaw pa rin, sa ′yo pa rin titingin
[Chorus]
Umiindak ang buong kapaligiran nating dal'wa
Sumasabay sa tugtog ng pag-ibig (Sumabay sa tugtog ng pag-ibig)
Kahit abutin pa tayo ng ika-sisentang anibersaryo
Ikaw pa rin (Ikaw pa rin), sa ′yo pa rin (Sa 'yo pa rin) titingin (Ang aking mata)
[Outro]
Umiindak ang buong kapaligiran nating dal′wa
Sumasabay sa tugtog ng pag-ibig (Umiindak)
Kahit habulin na natin ang ating huling mga hininga
Ikaw pa rin (Ikaw pa rin), sa 'yo pa rin (Sa ′yo pa rin) titingin ang aking mata