​lilipas din ang ulan lyrics

by

Ian Quiruz


[Intro: Ian & teresa]
Lilipas din ang ulan, ah-ah-ah
Sisikat din ang araw, ah-ah-ah
Gagaan ang pakiramdam, sasayaw, sisigaw
Sa gitna ng daan

[Verse 1: Ian]
'Di na naman mapakali ang
Sarili sa kaiisip ng
"Paano na 'to?
Paano ako makakahinga?" Ah-ah-ah-ah

Kung laging araw at gabing lagalag
Ang pusong 'di mahanap ang uuwian
May ulap pa rin at mga bituin
Sila ang daan

[Verse 2: teresa]
Ang alimuom, 'di magtatagal
Maitatapak na ang paa
Halik ng hangin sa aking pisngi
Mararamdaman muli

At ang kislap ng mga mata
Ay magbabalik din
Bigat ng dibdib, mawawala
Ah-ah-ah, ah-ah-ah
[Chorus: Ian, teresa, Ian with teresa]
Lilipas din ang ulan (ah-ah-ah)
Sisikat din ang araw (ah-ah-ah)
Gagaan ang pakiramdam, sasayaw, sisigaw
Sa gitna ng daan (Ooh, ooh-ooh-ooh)

Lilipas din ang ulan (lilipas din ang ulan)
Sisikat din ang araw (ang araw)
Gagaan ang pakiramdam, sasayaw, sisigaw
Sa gitna ng daan

[Outro]
La-la-la-la, la-la-la-la
Oh-oh-oh-oh, ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh (la-la-la-la)
La-la-la-la, la-la-la-la-la
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh, ooh, ooh
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net