​nang minsang may ikaw lyrics

by

Ian Quiruz


[Verse 1]
Kung pagdating mo'y lunas sa delubyong kapalaran ko
Ayaw kitang mawalay nang 'di ginagantihan
Ipilit man ng buhay na maging pariwara ang landas ko
Kung nandiyan ka, mahal, ay kaya kong makatagal

[Pre-Chorus]
Kung mabatid kong wala ka na
Paano na ang mabuhay mag-isa?
Mahahagkan, makakapiling ka pa ba?

[Chorus]
Wala nang ngalan pang isisigaw
'Di maibsan ng tubig ang pagkauhaw
Pero salamat dahil minsang may ikaw

[Instrumental Break]

[Verse 2]
Sa pagdating ng minsan ay siyang pagkaubos ng dahilan
Gayunpaman, mabuti't minsa'y naranasan ang pagkahibang
Mahal, ngayong tahimik ang balsa
Anong saysay kung magsagwan nang mag-isa?
Patutunguha'y 'di tiyak, aking sinta

[Chorus]
Pag-iral ko'y walang kabuluhan
Kung ika'y 'di ko na nasisilayan
Pero salamat dahil minsang may ikaw
[Bridge]
Anong saya'ng hatid ng pagsinta
'Pag natupad itong kasama ka
Walang hanggan kung uulit-ulitin
Ang minsang para sa atin

[Outro]
Sa kuwento nating nagmamadali
Tagpong hindi matapos-tapos lagi
Maulit ma't muli kang matanaw
Langit ang buhay nang minsang may ikaw
Langit ang buhay nang minsang may ikaw
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net