Minamahal Kita lyrics
by Leo Valdez
[Verse 1]
Minamahal, minamahal kita
Pagsinta ay 'di mag-iiba
Hindi mo ba nadarama, sinta?
Bawat kilos ko'y pangarap ka
[Verse 2]
Minamahal, minamahal kita
At nasa 'yo ang tanging pag-asa
Asahan mong dalangin ka tuwina
Minamahal, minamahal kita
[Verse 3]
Kung aking wariin, sinta
Ay naghihintay pagtapatan ka
Kung nais malaman sinta
Bakit tangi kang minamahal
Ikaw lang ang tunay na siyang dahilan
Ng aking kaligayahan
[Verse 2]
Minamahal, minamahal kita
At nasa 'yo ang tanging pag-asa
Asahan mong dalangin ka tuwina
Minamahal, minamahal kita