Awit Ng Pagmamahal lyrics
by Leo Valdez
[Verse 1]
Ang pag-ibig ko ay minsan lamang
Dadalhin ko giliw sa habang buhay
Ang pagmamahal na aking taglay
'Di na magbabago magpakailanman
[Verse 2]
Minamahal kita nang higit sa aking buhay
Iniibig kita ng pag-ibig na tunay
Kasama mo ako magpahanggang libingan
Kung ano ang damdamin mo'y
Damdamin ko rin, hirang
[Instrumental Break]
[Verse 3]
Kasama mo ako magpahanggang libingan
Kung ano ang damdamin mo'y
Damdamin ko rin, hirang
Kung ano ang damdamin mo'y
Damdamin ko rin, hirang