Bakya Mo Neneng / Caprichosa / Labandera Ko / Mahiwaga lyrics

by

Leo Valdez


[Verse 1]
Bakya mo Neneng, luma at kupas na
Ngunit may bakas pa ng luha mo sinta
Sa alaala'y muling nagbalik pa
Ang dating kahapong tigib ng ligaya

[Verse 2]
Ngunit irog ko, bakit isang araw
Hindi mo ginamit ang
Bakya kong inialay
Sa wari ko ba’y 'di mo kailangan
‘Pagkat 'ya’y kupas na sa ganda at kulay

[Verse 3]
Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw
Sa bakya mo Neneng na 'di nasilayan
Kung inaakalang 'yan ay munting bagay
Huwag itapon, aking hirang
Ang aliw ko kailanman

[Verse 4]
Caprichosa kung ika'y tumatawa
Ang katulad mo'y mabangong sampaguita
May pang-akit ka na bumabalisa
Sa madlang sa 'yo ay sumasamba
[Verse 5]
Bakit nga ba kung wala ikaw, hirang
Ay para na ring nawala yaring buhay?
Nais din kita, pihikan ka man
Puso ko'y iyo, caprichosang Paraluman

[Verse 6]
Labandera ko, tunay ka kung gumiliw
Ang batya’t balo-balo ang siyang laging kapiling
Kung naglalaba sa pagsimoy ng hangin
Sa tabi ng batisan, awit mo’y mapapansin

[Verse 7]
Maging ano man ang hirap sa buhay
Ay ligaya rin kung dulot mo, hirang
Sa agos nitong tubig na malinaw
Ang sugat ng puso'y aking huhugasan

[Verse 8]
(La-la-la-la-la-la-la-la)
(La-la-la-la-la-la)
Kung may hirap, may ginhawa
(La-la-la-la-la-la-la-la)
(La-la-la-la-la-la)
Sa gawain, diyan ka liligaya
[Verse 9]
Mayro’ng aliw-iw at himig ang tubig
At may gunita sa ating pag-ibig
Ang sumpa mo pa'y singlinaw ng batis
Na ikaw ay akin lamang hanggang langit
Na ikaw ay akin lamang hanggang langit
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net