Dejavu lyrics

by

Rey Valera



[Verse 1]
Nagkatagpo ang ating mga mata
May mensahe na tumutulay sa hangin
Para bang nadarama ko na
Na sa isip mo'y iniisip ko rin

[Pre-Chorus]
(Ngayon rin) ngunit ngayon lang tayo nagkita
(Ngayon) bakit parang kilala na kita?

[Chorus]
Kilala ko ang tinig ko
Kilala ko ang kilos mo
Para noo'y umibig na sa 'yo

[Verse 2]
At ang puso ko'y sumisigaw
Nang makita kang papalayo sa akin
Parang nais kong habulin ka
At sabihin ko sa 'yo itong nadarama ko

[Pre-Chorus]
Ngunit ngayon lang tayo nagkita
(Ngayon) dapat ba na pigilan pa kita?

[Chorus]
Ang hangin ay lumalakas
Ang tulay muling kumakalas
Ang alon tayo ay maglalayo muli ng landas
[Instrumental Break]

[Chorus]
Ang hangin ay lumalakas
Ang tulay muling kumakalas
Huwag mong hayaang maglayo muli ng landas
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net