Ipagdiwang Ang Araw Ng Pasko lyrics
by The New Minstrels
[Verse 1]
Kulang man sa ginhawa'y may galak at ligaya
Hari ang isisilang
Kahit dukha'y may sabit na parol na makulay
Sa bintana ng bahay
Ang mga kubo na nasa bukid
May gayak pang-Pasko sa paligid
Kay gandang pagmasdan kahit saang dako
Lalo na sa Araw ng Pasko
[Verse 2]
Ang ninong at ninang
Sa araw ng Pasko'y naghihintay
Kahit naghihirap
Inaalala ang inaanak
May kendi at ubas
Ngayo'y nakahandang ilalabas
Tunay na may ligaya
Ang magbigay sa Araw ng Pasko
[Verse 3]
Sa simoy ng amihan at himig ng tugtugan
Tayo ay mag-awitan
Bibigyan ng regalo kahit na piso-piso
Ang mga nagmamano
Hirap ng puso'y huwag mong isipin
At ang hapis ay iyong limutin
Tayo'y magmahalan ngayon at kailanman
Ipagdiwang ang Araw ng Pasko
[Interlude]
[Verse 2]
Ang ninong at ninang
Sa araw ng Pasko'y naghihintay
Kahit naghihirap
Inaalala ang inaanak
May kendi at ubas
Ngayo'y nakahandang ilalabas
Tunay na may ligaya
Ang magbigay sa Araw ng Pasko
[Verse 3]
Sa simoy ng amihan at himig ng tugtugan
Tayo ay mag-awitan
Bibigyan ng regalo kahit na piso-piso
Ang mga nagmamano
Hirap ng puso'y huwag mong isipin
At ang hapis ay iyong limutin
Tayo'y magmahalan ngayon at kailanman
Ipagdiwang ang Araw ng Pasko