Simbang Gabi At Bagong Taon lyrics
by The New Minstrels
[Verse 1]
Gising na mare, gising na pare
Tawag ng kampana sa simbahan
Umpisa ng siyam, huwag magkukulang
Sa simbang gabing kinagisnan
[Verse 2]
Magbalabal ka kahit na tuwalya
Kay lamig-lamig doon sa plaza
Mare at pare, dapat mag-ingat
Nang kayo'y hindi mapulmonya
[Verse 3]
Simbang gabi ugali ng Kristiyano
Mas matanda sa aking lolo
Alay ito sa Birhe't Santo Niño
Dinadakila ang Pasko
[Verse 4]
Tayo na mare, tayo na pare
May nag-imbita sa Media Noche
Ang kamag-anak na may handaan
Kahit kaunti ay 'yong pagbigyan
[Interlude]
[Verse 5]
Bagong Taon tayo'y mag-Noche Buena
May tsokolate, hamon de china
Samantalang mayroong nagtutugtugan
Walang humpay ang sayawan
[Verse 6]
Ang mga bata sa kagalakan
Nagsala-salabat sa lansangan
May torotot na, may sombrero pa
Pangsalubong sa Bagong Taon
[Outro]
Pangsalubong sa Bagong Taon
Pangsalubong sa Bagong Taon