Pagdating Ng Takipsilim lyrics
by The New Minstrels
[Verse 1]
Ang pag-ibig na dalisay
Hinding-hindi magmamaliw
Sa dilim at sa liwanag
Magkapiling hanggang wakas
[Verse 2]
O irog, pagdating ng takipsilim
Ang langit ay namamanglaw na rin
Subalit irog, ang pag-ibig kong dalisay
Ay tunay at hindi magmamaliw
[Verse 3]
Malasin mo ang dilim at ang liwanag
Palaging magkapiling hanggang wakas
O irog, ganyan ang ating katulad
Sa puso ang pag-ibig ay wagas
[Verse 3]
Malasin mo ang dilim at ang liwanag
Palaging magkapiling hanggang wakas
O irog, ganyan ang ating katulad
Sa puso ang pag-ibig ay wagas
[Verse 1]
Ang pag-ibig na dalisay
Hinding-hindi magmamaliw
Sa dilim at sa liwanag
Magkapiling hanggang wakas
[Outro]
Pagdating ng takipsilim