Lambingan lyrics
by The New Minstrels
[Verse 1]
Ay kay tamis hirang
Ng pagsintang tunay
Ang lahat ay buhay
Lalo't ika'y kapisan
[Verse 2]
Kung sa 'yo'y mawalay
Palad ko'y hihina
At kung walang lambingan
Mabuti pang, mabuti pang ako'y pumanaw
[Verse 3]
Sa piling mo, sinta ko
Napapawi ang lungkot
Napaparam, nagbabago
Ang lahat ng himutok
At sa tuwi kong hahagkan
Ang pisngi mong mabango
Ay tuluyang mapaparam ang hirap ko
[Verse 4]
Kung tayo'y magkasayaw
Magkayakap sa galak
Ang langit ng bagong buhay ay maliwanag
Sa suyuang matimyas
Nalilimot ang lumbay
At patuloy ang sarap
Ng matamis na lambingan
[Outro]
Sa suyuang matimyas
Nalilimot ang lumbay
At patuloy ang sarap
Ng matamis na lambingan