Maalaala Mo Kaya lyrics

by

The New Minstrels


[Verse 1]
'Wag mong sabihing ika'y hamak kahit na isang mahirap
'Pagkat ang tangi kong pag-ibig ganyan ang hinahanap
Aanhin ko ang kayamanan kung ang puso'y salawahan?
Nais ko'y pag-ibig na tunay at walang kamatayan

[Chorus]
Maalaala mo kaya ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay sadyang 'di magmamaliw?
Kung nais mong matanto, buksan ang aking puso
At tanging larawan mo ang doo'y nakatago

[Verse 2]
'Di ka kaya magbago sa iyong pagmamahal?
Hinding-hindi giliw ko, hanggang sa libingan
O, kay sarap mabuhay lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko ay 'di na mapaparam

[Outro]
Maalaala mo kaya ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay sadyang 'di magmamaliw?
Maalaala mo kaya?
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net