Buhay Ko’y Mayroong Ikaw lyrics
by The New Minstrels
[Verse 1]
Noon, ang mundo ko'y
Pawang ako lamang
Walang ibang mahalaga sa 'kin
Kundi sarili kong mithi
Iyan ang buhay kong
Sukat na nag-iba
Anong nangyari, biglang nagbago
Umibig na
[Chorus]
Kaya ngayon
Ang aking buhay ay mayro'ng kahulugan
Hindi ko akalaing matututong
Magbigay, magmahal kanino man
Oo, ikaw
Ang dumilig sa aking pusong kay tigang
Kaya't i-give up ko na'ng kasiyahan
Dahil buhay ko'y mayroong ikaw
[Verse 2]
Noon, ang buhay ko'y walang ni sinoman
Nag-iisang gumagalaw
Tumatangis sa natamong hapis
Iyan ang buhay kong nakasanayan na
Ngunit bakit kinailangang umibig pa
[Chorus]
Dahil ngayon
Ang aking buhay ay mayro'ng kahulugan
Hindi ko akalaing matututong
Magbigay, magmahal kanino man
Oo, ikaw
Ang dumilig sa aking pusong kay tigang
Kaya't i-give up ko na'ng kasiyahan
Dahil buhay ko'y mayroong ikaw