Tumangis Ang Buwan lyrics

by

Noel Cabangon



[Verse 1]
Nakalatag ang dilim
Ang gabi'y walang katulad
Walang palatandaan
Huling gabi ng buhay mo

[Verse 2]
Inagaw ka
Paulit-ulit na sinaktan
Nagmamakaawa
Paulit-ulit kang pinaslang

[Chorus]
Ang 'yong munting katawan
Labimpitong tag-araw
Hitik ng pangarap ang ninakaw na buhay
Tumangis ang buwan
Yumakap ang dugo sa putikan

[Verse 3]
Ang 'yong larawan
Ay nakaukit sa 'king diwa
Kalaro, anak, at kapatid
Kay dami nang pinapaslang

[Verse 4]
Sa mga sulok ng lungsod
Sa kanayunan at kabundukan
Nakalantad ang salarin
Sa biktimang mga dukha
[Chorus]
Ano ang kasalanan?
Ano ang kapalit?
Pumatay ng paslit
Na walang kalaban-laban
Tumangis ang buwan
Yumakap ang dugo sa palayan

[Instrumental Break]

[Verse 5]
Sa umagang parating
Ang luha ay matutuyo
Sa pumaslang at nag-utos
Ang bayan ang siyang tutuos
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net