Kahit Na Anong Sablay lyrics

by

Rico Blanco


[Verse 1]
Ibang-iba ang ihip ng hangin
Sumasabay sa 'king damdamin
Puso'y sabik nang manahan
Ngiting ikaw ang dahilan

[Verse 2]
Pero kahit anong saya
Lagi pa ring naalintana
Ang aking pag-alala
Hanggang kailan 'tong ligaya

[Pre-Chorus]
Lumapit ka't sinabi na

[Chorus]
Asahan mo 'ko na laging nakaakbay sa'yo
Palawakin itong mundo
At tayo lang dito
Harapin ang buhay na hawak-hawak ang 'yong kamay
Kahit na anong sablay
Pag-ibig natin ay

[Post-Chorus]
Magtatagumpay
Magtatagumpay
[Verse 3]
Sa oras na nangangapa
Sa mundong puno ng salita
Kapag pagod na lumuha
Hanap-hanap ang ligaya

[Pre-Chorus]
Lumapit ka sa akin at

[Chorus]
Asahan mo 'ko na laging nakaakbay sa'yo
Palawaking itong mundo
At tayo lang dito
Harapin ang buhay na hawak-hawak ang 'yong kamay
Kahit na anong sablay
Pag-ibig natin ay

[Post-Chorus]
Magtatagumpay
Magtatagumpay

[Bridge]
Kahit hindi matapos-tapos ang gulo
Kahit malapit nang umabot sa dulo
Asahan mo 'ko
Na laging nakaakbay sa'yo
Magkahawak mga kamay
Magtatagumpay
[Chorus]
Asahan mo 'ko na laging nakaakbay sa'yo
Palawakin itong mundo
At tayo lang dito
Harapin ang buhay na hawak-hawak ang 'yong kamay
Kahit na anong sablay
Pag-ibig natin ay

[Post-Chorus]
Magtatagumpay
Magtatagumpay
Magtatagumpay
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net