Ang Pag-ibig Kong Ito lyrics

by

Rachel Alejandro


[Verse]
Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
Ngunit ayokong may makakita
Kahit anong sakit ang aking naranasan
'Yan ay ayokong kanyang malaman

[Pre-Chorus]
Mga araw na nagdaan
Kailanma'y hindi malilimutan
Kay tamis na araw ng pagmamahalan
Ang akala ko'y walang hangganan

[Chorus]
Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa 'yo
Kaya sa Maykapal, t'wina'y dalangin ko
Sana'y kapalaran ko ay magbago

[Pre-Chorus]
Mga araw na nagdaan
Kailanma'y hindi malilimutan
Kay tamis na araw ng pagmamahalan
Ang akala ko'y walang hangganan

[Chorus]
Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa 'yo
Kaya sa Maykapal, t'wina'y dalangin ko
Sana'y kapalaran ko ay magbago
Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa 'yo
Kaya sa Maykapal, t'wina'y dalangin ko
Sana'y kapalaran ko ay magbago
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net