Wala Kang Katulad lyrics
by Ariel Rivera
[Verse 1]
Mula ng kita'y makilala
Walang ibang naaalala
Kundi ang tamis ng iyong ngiti
Parang nagsasabing
"Mahal mo ako"
Ibang-iba ka, aking giliw
Sa lahat ng nakilala
Walang ibang naghahatid ng sigla tulad mo, sinta
[Chorus]
Wala kang katulad
Wala nang hihigit pa sa iyo
Wala kang kaparis
Wala nang gaganda pa sa iyo
'Di ka maihahambing kahit kanino pa
Labis ang 'yong ganda
Wala kang katulad, at mahal kita
[Verse 2]
Iisa lamang ang nais
Ang makapiling kang lagi
At pagmasdan ang iyong nangungusap na mga mata
O kay ganda, mm
Lagi akong umaasang
Habang-buhay tayong magsasama
'Wag kang mabahala, sa piling ko ay liligaya ka
[Chorus]
Wala kang katulad
Wala nang hihigit pa sa iyo
Wala kang kaparis
Wala nang gaganda pa sa iyo
'Di ka maihahambing kahit kanino pa
Labis ang 'yong ganda
Wala kang katulad, at mahal kita
[Bridge]
Minsan lamang sa aking buhay, nakadama ng ganito, oh
[Instrumental Break]
[Chorus]
Wala kang katulad
Wala nang hihigit pa sa iyo
Wala kang kaparis
Wala nang gaganda pa sa iyo
'Di ka maihahambing kahit kanino pa
Labis ang 'yong ganda
Wala kang katulad
Wala kang katulad
Wala kang katulad, at mahal kita
[Outro]
At mahal kita