Nananaginip Ng Gising lyrics

by

Sarah Geronimo

[Verse 1]
Hindi karapat-dapat ang isang katulad ko
Na umibig at mangarap na ako rin ay mahalin mo
Tanggap ko na magkaiba ang ating mga mundo
Kasalanan bang umibig sa isang katulad mo?

[Pre-Chorus]
Kalimutan ko na lamang ba
Dahil 'di ko dapat na ibigin ka

[Chorus]
O bakit ba kay hirap tanggapin
Na ang katulad mo ay 'di ko kayang abutin
Tila binibiro ko lang ang aking damdamin
At para bang ako'y nananaginip nang gising

[Verse 2]
Pinilit kong mabago ang nararamdaman ko
Inalis kita sa isipan ngunit ako ay nabigo
'Pag kasama ka, nabubuhay ang pag-ibig ko sa iyo
Pinipigilan ko, ngunit nangungulit ang puso ko

[Pre-Chorus]
Kalimutan ko na lamang ba
Dahil 'di ko dapat na ibigin ka
[Chorus]
O bakit ba kay hirap tanggapin
Na ang katulad mo ay 'di ko kayang abutin
Tila binibiro ko lang ang aking damdamin
At para bang ako'y nananaginip nang gising

[Instrumental Break]

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net