Di Na Natuto lyrics

by

Sharon Cuneta


[Verse 1]
Nandiyan ka na naman
Tinutukso-tukso ang aking puso
Ilang ulit na bang
Iniiwasan ka, 'di na natuto

[Verse 2]
Sulyap ng iyong mata
Laging nadarama kahit malayo
Nahihirapan na
Lalapit-lapit pa, 'di na natuto

[Refrain]
Isang ngiti mo lang
At ako'y napapaamo
Yakapin mong minsan
Ay muling nagbabalik sa 'yo
Na walang kalaban-laban
Ang puso ko'y tanging iyo lamang

[Verse 3]
O, eto na naman
Laging nananabik ang aking puso
Muling bumabalik
Sa 'yong mga halik, 'di na natuto
[Refrain]
Isang ngiti mo lang
At ako'y napapaamo oh
Yakapin mong minsan
Ay muling nagbabalik sa 'yo
Na walang kalaban-laban
Ang puso ko'y tanging iyo lamang

[Outro]
Ang puso ko'y tanging iyo
Tanging iyo lamang
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net