Awit sa Haring Kristo lyrics
by Fr. Nicolas Sengson SVD
[Chorus]
Papuri at karangalan
Ay aming iniaalay
Sa Hari ng sanlibutan
Mga bata'y nag-aawitan sa 'Yo
Osana, mabuhay
[Verse 1]
Hari ka nga ng Israel
Sa angkan ni David galing
Ngayong Ika'y dumarating
Ngalan ng Amang butihin
Taglay Mo'y hatid sa amin
[Chorus]
Papuri at karangalan
Ay aming iniaalay
Sa Hari ng sanlibutan
Mga bata'y nag-aawitan sa 'Yo
Osana, mabuhay
[Verse 2]
Ang mga anghel sa langit
Magpupuring walang patid
Dito naman sa daigdig
Kami ay nakikisanib
Sa kanilang inaawit
[Chorus]
Papuri at karangalan
Ay aming iniaalay
Sa Hari ng sanlibutan
Mga bata'y nag-aawitan sa 'Yo
Osana, mabuhay