Luwalhati Sa Diyos lyrics

by

Fr. Nicolas Sengson SVD


[Verse]
Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan
Kaloob sa lupa ay kapayapaan
Pinupuri Ka't ipinagdarangal
Sinasamba Ka dahil sa dakila Mong kaluwalhatian
Panginoon naming Diyos, Hari ng Langit
Amang makapangyarihan
Panginoong Hesukristo
Bugtong na Anak ng Diyos, Kordero ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa Ka sa amin
Ikaw lamang ang banal, Panginoong Hesukristo
Kasama ng Espiritu sa luwalhati ng Ama, amen
Amen, amen
Amen
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net