Awit sa Adbiyento lyrics
by Fr. Nicolas Sengson SVD
[Verse 1]
Panahon na't bumangon, talikdan ang dilim
Iwaksi ang kasalanan, landas ay tuwirin
Malapit na'ng kaligtasan, pangakong pag-ibig
Ng Diyos Ama sa langit, sa lupa'y darating
[Chorus]
Parito na, Hesus, Haring Manunubos
At sa 'Yong pagdating, papanaw ang dilim
Liwanag Ka ng katarungan na nagbigay-buhay
Sa aming mga pangarap at pagsisikap
[Verse 2]
Haring dakila natin, ngayon ay darating
Si Juan siyang nagturing Korderong ihahain
Emmanuel kung tawagin, Mesiyas na darating
Ngalan Niya'y ibig sabihin, "Diyos ay sumasaatin"
[Chorus]
Parito na, Hesus, Haring Manunubos
At sa 'Yong pagdating, papanaw ang dilim
Liwanag Ka ng katarungan na nagbigay-buhay
Sa aming mga pangarap at pagsisikap
[Verse 3]
Ang araw ng kaligtasan, magbubukang-liwayway
Upang tayo'y masilayan at mapatnubayan
Daan ng kapayapaan sa ating harapan
Gabay sa tunay na buhay ang atin ngang sundan
[Chorus]
Parito na, Hesus, Haring Manunubos
At sa 'Yong pagdating, papanaw ang dilim
Liwanag Ka ng katarungan na nagbigay-buhay
Sa aming mga pangarap at pagsisikap