Espiritu Mo’y Suguin lyrics
by Fr. Joselito Jopson
[Chorus]
Espiritu Mo'y suguin, Poon
At kami ay 'Yong baguhin
Espiritu Mo'y suguin, Poon
At kami ay 'Yong baguhin
[Verse 1]
Poo'y purihin aking diwa
O Diyos, Ika'y talagang dakila
Kasuotan Mo'y dakila't maringal
Nababalutan Ka ng liwanag
[Chorus]
Espiritu Mo'y suguin, Poon
At kami ay 'Yong baguhin
[Verse 2]
Matatag ang sandigan ng mundong ito
Na magtatagal sa haba ng panahon
Binalutan ng dagat ang paligid
Pati mga bundok, puno ng tubig
[Chorus]
Espiritu Mo'y suguin, Poon
At kami ay 'Yong baguhin
[Verse 3]
Umaagos ang tubig ng ilog
Sa mga kapatagan at burol
Ang mga kahoy masiglang umaawit
Mga ibong nanggagaling sa langit
[Chorus]
Espiritu Mo'y suguin, Poon
At kami ay 'Yong baguhin
[Verse 4]
Magmula sa langit ay umuulan
Ang lupa'y puno ng Iyong biyaya
Puno ng luntian ang paligid
Ang tao ay nakikinabang din
[Chorus]
Espiritu Mo'y suguin, Poon
At kami ay 'Yong baguhin
[Verse 5]
O, kay rami ng Iyong nagawa
Karunungan Mo ay 'di mapapantayan
Ang buong mundo'y puno ng yaman
Pagpalain ng Poon aking kaluluwa
[Chorus]
Espiritu Mo'y suguin, Poon
At kami ay 'Yong baguhin
Espiritu Mo'y suguin, Poon
At kami ay 'Yong baguhin