Sa Kalis Ng Pagbabasbas lyrics

by

Fr. Joselito Jopson

[Refrain]
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap

[Verse 1]
Anong aking ihahandog sa aking Panginoon
Sa dulot Niyang kabutihan nasa akin ay kaloob?
Inumin ng kaligtasan, aking itataas
Bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas

[Refrain]
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap

[Verse 2]
Lahat ng taong papanaw, Kanyang minamahal
Kahit ito ay nagiisa, labis Siyang nagdaramdam
Alipin Mo ako, aking Panginoon
Pagkat ako'y kinalinga Mo, iniligtas at tinubos

[Refrain]
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap
[Verse 3]
Ako'y maghahandog, pasasalamat sa Iyo
Sasambitin tatawagin ang ngalan Mong dakila't totoo
Pangako sa Iyo, lagi kong tutupdin
Sa harapan ng Iyong bayan ay aking gagawin

[Refrain]
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap

[Outro]
Si Kristo ang tinatanggap
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net