Ikaw Lang At Ako lyrics

by

Janno Gibbs


[Verse 1]
Kay tagal na rin natin sa isa't isa
'Di ko na mabilang pa, ilang taon na ba?
Ngunit hanggang ngayon, ikaw pa rin, sinta
Ang nasa puso ko at kaluluwa

[Chorus]
Dahil ang pag-ibig ko sa 'yo ay hindi magbabago
Kahit kailan, ikaw lamang ang mananatili sa puso ko
Habang-buhay ay ikaw lang at ako

[Verse 2]
Sa lungkot at sa saya, ikaw ang kasama
'Di kailangang magduda, wala namang iba
Dahil hanggang ngayon, ikaw pa rin, sinta
Ang nasa puso ko at kaluluwa

[Chorus]
Dahil ang pag-ibig ko sa 'yo ay hindi magbabago (Ooh, yeah, hey)
Kahit kailan, ikaw lamang ang mananatili sa puso ko (Ooh, ooh)
Habang-buhay ay ikaw lang at ako

[Bridge]
'Di malilimutan ang pangako ko sa 'yo
Nang sa habang-buhay ay ikaw lamang at ako
[Chorus]
Dahil ang pag-ibig ko sa 'yo ay hindi magbabago
Kahit kailan, ikaw lamang ang mananatili sa puso ko, oh
Habang-buhay ay ikaw lang at ako

[Outro]
Habang-buhay ay ikaw lang at ako, oh-whoa, oh-whoa, oh-whoa
Habang-buhay ay ikaw lang at ako
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net