Panatag lyrics

by

Hale


[Verse 1]
Ang hirap matulog
Hirap ring bumangon
Pinipilit huminga, nalulunod
'Di na makaahon

[Verse 2]
'Di maipaliwanag
Hindi makagalaw
Gustong magpahinga, huminahon
Ang isip naliligaw

[Chorus 1]
Ubos na? (Ubos na)
Tapos na? (Tapos na)
Nag-iisa?
Nag-iisa

[Verse 3]
Hindi na mabilang
Ang oras na ibinigay
Hinuli ang sarili
Para sa tao't mga bagay na walang saysay

[Verse 4]
Nawala't nagtatanong
Ang diwa'y lumulutang
Pinipilit gumalaw
Itawid, kahit gumagapang lang
[Chorus 2]
Kaya pa? (Kaya pa)
Meron pa? (Meron pa)
Kahit na nag-iisa

[Instrumental Break]

[Outro]
Wala na
Para sa sarili lang
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net