Mahal Na Puso Ni Hesus lyrics
by Fr. Nemesio Que SJ
[Berso 1]
Mahal na Puso ni Hesus
Kami ay iyong kupkupin
At akitin ang puso namin
Nang grasya mo ay kamtin
[Refrain]
O Kristo’y dinggin aming panalangin
Laging angkinin ang puso namin
[Berso 2]
Banal na Templo’t Tahanan
Dito ay kalangitan
Ang aliw namin at kayamanan
Ang tangi mong laan
[Refrain]
O Kristo’y dinggin aming panalangin
Laging angkinin ang puso namin
[Berso 3]
Mga puso’y ipininid
Alaala’y said
At ang sala ng tao’y hatid
Sugat sa ‘yong gilid
[Refrain]
O Kristo’y dinggin aming panalangin
Laging angkinin ang puso namin