Awit Sa Mahal Na Puso Ni Hesus lyrics

by

Fr. Nemesio Que SJ



[Berso 1]
Panginoong Hesus ang puso mong mahal
Bukal ng pag-ibig na lubhang dalisay
Nag-kat'wang tao ka sa lupa'y namuhay
Ikaw ang nagmahal hanggang kamatayan

[Koro]
Nang sugatan nila ang puso mong mahal
Dumaloy ang tubig at dugo mong banal
Na humugas sa 'ming mga kasalanan
Naghatid sa 'min ng walang hanggang buhay
Pag-ibig mo Hesus ay walang kapantay

[Berso 2]
Panginoong Hesus ang puso mong mahal
Puspos ng pag-ibig at ng kabutihan
Nagpupuri kami sayo'y inialay
Ang buhay na habag sa pagmamahalan

[Koro]
Nang sugatan nila ang puso mong mahal
Dumaloy ang tubig at dugo mong banal
Na humugas sa 'ming mga kasalanan
Naghatid sa 'min ng walang hanggang buhay
Pag-ibig mo Hesus ay walang kapantay
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net