Diwata lyrics
by 1621
[Verse 1]
Hindi alam kung paano, malimot ang engkwentro
Nang unang masilayan ka
Ika'y laman ng isip, hanggang sa panaginip
Ika'y aking nakikita
[Pre-Chorus]
Kinakabahan, hindi ko din alam
Para bang nabalot ng hiwaga mo
[Chorus]
'Di mo man papansinin ay pilit kang hihintayin
Nahulog sa salamangka mo
'Di mo man papansinin, nandito lang hihintayin
Hanggang sa masilayan ko
Diwatang kay ganda, diwatang kay ganda
Nabalot ng hiwaga mo
Diwatang kay ganda, diwatang kay ganda
Nahulog sa salamangka mo
[Verse 2]
Hindi mapaliwanag, naramdamang liwanag
Sa'ting unang pagkikita
Parang isang pantasya, sana'y muling makita
Mapagbigyan mo lang sana
[Pre-Chorus]
Kinakabahan, hindi ko din alam
Para bang nabalot ng hiwaga mo
[Chorus]
'Di mo man papansinin ay pilit kang hihintayin
Nahulog sa salamangka mo
'Di mo man papansinin, nandito lang hihintayin
Hanggang sa masilayan ko
[Bridge]
Diwatang kay ganda, 'di baleng nasa'n ka
Bigla na lang napaibig
Diwatang kay ganda, 'di baleng nasa'n ka
Bigla na lang napaibig
[Chorus]
'Di mo man papansinin ay pilit kang hihintayin
Nahulog sa salamangka mo (Ooh, woah)
'Di mo man papansinin, nandito lang hihintayin (Woah, hihintayin)
Hanggang sa masilayan ko
Diwatang kay ganda, (Kay ganda) diwatang kay ganda (Kay ganda)
Nabalot ng hiwaga mo, woah
Diwatang kay ganda, (Kay ganda) diwatang kay ganda (Kay ganda)
Nahulog sa salamangka mo