Kailan Pa lyrics
by Jessa Zaragoza
[Verse]
Kailan pa kaya mapapansin
Ang puso kong laging naninimdim
'Di ako kumikibo dahil nagbibiro ka lang sa akin
'Wag mo namang ibibitin
[Pre-Chorus]
Kailan pa kaya maririnig
Na sasabihin mo sa akin
Na ako'y mahal mo? Oh, ako'y kinikilig
'Di pa man tayo nagkakalapit
[Chorus]
Kailan pa kaya liligaya
Ang puso kong matagal nang naghihintay sa 'yo?
Kailan pa, kailan pa madarama
Ang pag-ibig mo para sa akin?
Kailan pa?
[Pre-Chorus]
Kailan pa kaya maririnig
Na sasabihin mo sa akin
Na ako'y mahal mo? Oh, ako'y kinikilig
'Di pa man tayo nagkakalapit
[Chorus]
Kailan pa kaya liligaya
Ang puso kong matagal nang naghihintay sa 'yo?
Kailan pa, kailan pa madarama
Ang pag-ibig mo para sa akin?
Kailan pa?
[Bridge]
Nahihirapan na'ng damdamin
Ngunit ano ang gagawin upang mahalin?
[Chorus]
Kailan pa kaya liligaya
Ang puso kong matagal nang naghihintay sa 'yo?
Kailan pa, kailan pa madarama
Ang pag-ibig mo para sa akin?
Kailan pa?