Ako Raw Ay Makasalanan lyrics

by

Imelda Papin


[Verse 1]
Ako raw ay makasalanan
Nagkasala sa lipunan
At ako'y kanilang hinatulan
Na 'di dapat pamarisan

[Verse 2]
'Di ko nais ang magkasala
Ngunit 'yan ay tanging lunas
Ng mga mahal kong nagdurusa
Sa hirap na dinaranas

[Refrain]
Inaamin kong ako'y nagkasala
Ng dahil sa mahal sa buhay
Magtitiis na ako ang magdusa
Makita ko lamang maligaya

[Verse 3]
Magtitiis kahit na paratangan
At hatulang makasalanan
Mahango lamang sa kahirapan
Ang mga mahal ko sa buhay

[Refrain]
Inaamin kong ako'y nagkasala
Ng dahil sa mahal sa buhay
Magtitiis na ako ang magdusa
Makita ko lamang maligaya
[Verse 3]
Magtitiis kahit na paratangan
At hatulang makasalanan
Mahango lamang sa kahirapan
Ang mga mahal ko sa buhay

[Outro]
Ako raw ay makasalanan
Ako raw ay makasalanan
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net