Ganiyan Nga Ba lyrics

by

Odette Quesada


[Verse 1]
Biglang-bigla
Kaibigan ko'y biglang nawala
Sa isang kisapmata
Naging bahagi siya ng alaala

[Chorus]
Ganyan nga ba
Ang buhay natin sa mundo?
Ganyan nga ba
Ang buhay ng mga tao?

[Verse 2]
Naghihintay
Ilang taon tayong naghihintay?
'Pag nandiyan na
Sa sandali mo lang madarama

[Chorus]
Ganyan nga ba
Ang buhay natin sa mundo?
Ganyan nga ba
Ang buhay ng mga tao?

[Bridge]
Ang buhay ba'y nasusukat sa yaman at sa haba ng panahon?
'Di pa ba sapat sa atin na tayo'y magkasama pa ngayon?
[Verse 3]
Naghahanap
Katotohanan ba'y nahahanap?
'Di mo napapansin
Buong buhay mo'y nagaganap

[Chorus]
Ganyan nga ba
Ang buhay natin sa mundo?
Ganyan nga ba
Ang buhay ng mga tao?

[Bridge]
Hindi ka ba nagtataka kung ba't tayo sinilang sa mundo?
Hindi kaya ang dapat ay mahalin natin ang kapwa tao?

[Verse 4]
Biglang-bigla
Kaibigan ko'y biglang nawala
Sa puso ko
Nando'n pa rin siya sa aking alaala

[Chorus]
Ganyan nga ba
Ang buhay natin sa mundo?
Ganyan nga ba
Ang buhay ng mga tao?
[Outro]
Ganyan nga ba?
Ganyan nga ba, oh
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net