Ligaya lyrics
by Odette Quesada
[Verse 1]
Sa bawat araw hinahanap ng puso ko
Ang lambing ng tinig mo
Mayro'n kang ibinigay sa buhay ko
Mula nang makilala ka
[Verse 2]
Kaligayahang 'di maintindihan
Ay naramdamang muli
Pinilit kong pigilan ang nadarama
Ngunit ang puso ko'y gustong laging kapiling ka
[Pre-Chorus]
Panandalian lang kayang lahat ang nadarama?
Sa piling ko kaya ika'y magtatagal pa?
[Chorus]
Dahil ligaya ang dulot mo
Kaya ayaw kitang mawala sa buhay ko
Ligaya ang binibigay mo
'Di magtatagal, mamahalin kita
[Verse 3]
Hindi na mahirap sa 'kin ang magmahal
Kung ikaw ang iibigin ko
Maaari kayang simulan na agad
Ang buhay na kapiling ka?
[Pre-Chorus]
At gagawin ko nang totoo ang panaginip
Hindi na pipigilan pa ang puso't isip
[Chorus]
Dahil ligaya ang dulot mo
Kaya ayaw kitang mawala sa buhay ko
Ligaya ang binibigay mo
'Di magtatagal, mamahalin kita
[Pre-Chorus]
Gagawin ko na ring totoo ang panaginip
Hindi na pipigilan pa ang puso't isip
[Chorus]
Dahil ligaya ang dulot mo
Kaya ayaw kitang mawala sa buhay ko
Ligaya ang binibigay mo
'Di magtatagal, mamahalin kita
Ligaya ang dulot mo
Kaya ayaw kitang mawala sa buhay ko
Ligaya ang binibigay mo
'Di magtatagal, mamahalin kita
[Outro]
Hoo-ooh-ooh-ooh-ooh
Mamahalin kita