Tahanan lyrics

by

Petal


Verse I:
Namamanhid na ang mga kamay
Puti’t itim nalang ang kulay
Ninanais na ang ‘yong tinig
Sinta, na akin nang marinig

Pre-Chorus:
Bumaha man ang ‘yong luha
Darating din ang paghupa
Doon walang kukuha
Ng iyong tuwa

Chorus:
Ang pagiyak ay sa’yo titila
Dahil ikaw ang tanging tahanan
Kaya’t sa’yo ako tatahan
Mundo’y sa’yo gumagaan

Verse II:
Napapawi na ang pagkalumbay
Nagmamadali ang mga ulap
Dinadalanging mananatiling
Ganito, ang pagkilos ng mundo

Pre-Chorus:
Bumaha man ang ‘yong luha
Darating din ang paghupa
Doon walang kukuha
Ng iyong tuwa
Chorus:

Ang pagiyak ay sa’yo titila
Dahil ikaw ang tanging tahanan
Kaya’t sa’yo ako tatahan
Mundo’y sa’yo gumagaan

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net